
Last friday, natuloy na rin yung balak namin ng mga highschool friends ko na magkitakita. Of course, sa previous school kami nagkita and at the same time, humingi na rin ako ng request about my form 137. Ang daming nagbago sa school namin, the place, the people, yung iba nandun pa din. Former adviser ko yung nakausap ko about my form137, at nagwowork na siya with the principal. Former english teacher ko ang bagong principal dun. Nagulat talaga ko nung sinabi ng isa kong friend yun. Anyway, after sa school, bumili na kami ng pagkain, puro junk foods. XDDD and bumili din kami ng noodles and itlog. Tatlo lang naman kami pero ang daming pagkain. Nakakatawa yung nangyari sa noodles na niluto namin kasi hindi siya naluto dahil naubusan ng gas yung friend ko, so naglasang itlog yung sabaw, buti na lang dumating yung dad niya to help us. Nanonood na kami ng horror movie nun, nagdala kasi ako ng dvd. Anu pa nga bang mangyayari pag matagal na kayong hindi nagkita diba? Eh di yun, hindi rin namin natapos yung movie, nagkwentuhan na lang kami habang kumakain tapos naginternet na rin. Dun ko nakita na may bago na ngang girlfriend yung previous ex-boyfriend ko. May pictures sila ng girlfriend niya sa multiply - kissing. XDDD I was totally surprised, hurt a bit but after a while, I was happy for him. Ang chaka naman ng girl eh. Kahit dati naman, masaya na talaga siya sa mga chaka! LOLOLOL~
I opened up my thoughts and feelings dun sa dalawa kong friends na kasama that time. Lahat ng nangyari at nagbago simula college. Kung bakit wala na kami nung bestfriend ko, kahit yung tungkol kay Jessica, nakwento ko na rin kasi naman, nagulat ako dahil hindi pala nila alam na nakaaway ko yun nung highschool. Akala ko galit silang lahat sakin dahil sa mga ginawa ko nung highschool but I admit naman na naguluhan ako that time and pinagsisisihan ko na lahat ng yon. Pero sabi naman nila, mali daw talaga nun si Jessica. I dunno pero sa tingin ko hindi ko talaga dapat ginawa yun. She's still my friend afterall. May point din sila na iba talaga pag sa friend mo nagkagusto yung ex mo unlike pag ibang babae lang na hindi mo kakilala.
About dun sa bestfriend ko, well, alam ko namang ayaw talaga nila dun and ayaw din naman ng bestfriend ko sa kanila. At ako? lagi naman akong nasa gitna pero yung pagiging nasa gitna ko yung nagpahamak sa relasyon namin ng ex bestfriend ko. Sa totoo lang, parang mas gusto ko naman talaga dun sa mga kasama ko nung third year highschool eh, sa kanila lang ako malaya, parang totoo ako sa sarili ko unlike pag kasama ko yung bestfriend ko nun, parang lagi ka na lang dapat maging tama or karesperespeto sa lahat ng tao, kahit gusto mong sumigaw, ma-excite over something, hindi ko kayang ilabas dahil iba ang tingin niya sa mga ganung tao. Pero buti na lang at natapos na rin yun, nagawa ko lang naman yun dahil sa mahal ko ang bespren ko pero sinayang lang niya lahat. Oo nga, siguro, para sa kanya ay binackstab ko siya pero ang hindi niya alam ay napilitan lang ako or nagpacontrol nanaman ako sa ibang tao, hindi ko sinisisi yung boyfriend niya ngayon na close friend ko or namin before pero siya rin naman ang nagtulak sakin para masabi ang mga masasakit na bagay sa bespren ko. Sabi nga nung kasama ko nung friday, malamang siniraan nga talaga ko nung guy na yun para maging sila ulit ng bespren ko. Iba talaga ang dating pag ibang tao ang nagkwento tungkol sa mga sinabi mo sa taong malapit sa inyo pareho. Ang mali lang ng bespren ko, hindi niya inalam kung bakit ko sinabi yun, hindi niya alam na impulsive lang ako that time. And sinisi niya lahat sakin kung ano man ang nangyari sa kanya at sa mga naging boyfriend niya. Isa lang masasabi ko, kung talagang kilala niya ko, hindi siya maniniwala sa ibang tao pero sa tingin ko ay hindi, after 6 years, wala lang siyang alam kundi magpasweet sa harap ko, loved me but she never understand the real me. Okay na sana eh, kung tinanggap lang niya mga pagkakamali niya at mahirap talaga para sakin na gumitna. Pero salamat na rin dahil nakawala na ko sa anino niya at wala na rin ako sa gitna. ^.^
Sa thursday, magkikita ulit kami ng mga friends kong yun kasi bday nung isa naming kabarkada.
Isa sa mga ex ko na may gusto pa din sakin ay makikita ko ulit. Pumunta siya nung birthday ko before pero sa totoo lang, ayoko talaga sa kanya eh pero parang pinaglalaruan ko na siya. Alam naman niyang friend lang talaga ang turing ko sa kanya.
attribbidda

bago yata yun?
peace tayo! :)
in fairness, its his loss, not yours.
boink.boink

eunomia

raven (guest)
peace :D
eunomia
