Bakit ganun? Kung kelan nakita mo na siya, wala kayong problema sa isa't isa, bibigyan pa din kayo ng problem. Well, sad to say, he broked up with me? Or we decided to broke up with each other last January. What happened was.. he just can't take US at the same time with his studies. Para sa iba, mababaw na dahilan, dahil kung gusto, may paraan at kung ayaw, may dahilan. Para sa ibang tao, rebound lang daw ako, hindi daw siya seryoso sakin, he don't want me to attach myself to him? It's too late. He can't meet my expectations? Nageexpect ba ko ng malaki or iniisip lang niya yun dahil nasanay siya sa ex-girlfriend niyang bili-mo-ko type.
1 month lang kami, 2nd monthsary namin supposed to be today. But he had me years ago, until now.
Oo, nararamdaman kong nahihirapan siya, oo, nararamdaman kong ayaw niya ko masaktan, oo, nararamdaman kong seyoso siya sakin, oo, alam kong babalikan niya ko, oo, may faith ako sa kanya, oo, martir na ko, oo, tanga na ko, oo, hihintayin ko pa din siya, oo, mahal ko siya.
Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong wala na kami, or commitment lang nawala? Friends pa din kami, pero nasasaktan ako, siguro dahil sa mga naiisip kong negative na alam kong hindi naman siguro totoo. Ginugulo ba siya ng ex niya? Rebound lang ba ko? Hindi ba niya ko minahal? May bago na ba siyang iba? Na turn-off ba siya sakin? Hindi pa ba ko sapat? Pero sabi niya, tanga lang daw siya.. Sabi ng isip ko, tanga ka dahil pinakawalan mo ko, o tanga ka dahil minahal mo ko na dapat hindi pala?
Bakit ba ko nahihirapan? Dahil ba sa andyan lang siya pero hindi sakin o dahil alam kong nahihirapan din siya? Nahihirapan nga ba talaga siya? Ayaw niya ko paasahin, pero mahal namin isa't isa... Hindi ako umaasa, naniniwala ako. Ano bang mas mabigat dun? *sigh*
Masakit pero masarap. Masakit dahil hindi kami, masarap dahil nakita ko ang pagbabago niya into a better man, dahil ba yun sakin? Pero hindi niya kelangang magbago para sakin. Nung una, natatakot ako na baka magbago siya, at eto na nga yun. Pero sabi niya, mahal niya ko pero hindi ako ang priority nya sa ngayon dahil nahihirapan siya pagsabayin relationship with his studies. Iba daw ako na kayang pagsabayin. Ang taas ng tingin niya sakin, matalino daw ako, kayang kaya ko daw course ko, hindi ko kelangang mag-aral dahil madali para sakin ang exams. Sa lahat ng sinabi niyang yun, sigurado ba talaga siya?
Hindi ko inamin sa kanya 'to pero, wala namang nagbago sakin nung naging kami, I mean.. sa studies ko, mahirap kung mahirap, oo, mahirap ang Nursing pero anong magagawa ko, sanay na kong nahihirapan kaya, kayang-kaya ko maghandle ng stress. Alam ko ang strong and weak points ko. Para sakin, hindi siya naging pabigat, hindi naging pabigat ang relationship namin. Dahil gusto ko, kaya nakakagawa ako ng paraan para magkaron ako ng time sa kanya. Hindi man lagi yun tulad ng nakasanayan niya sa ex niya pero, I did my best.
Maghihintay ako, hanggat mahal ko pa siya, pero pano kung nasa kalagitnaan na ko ng paghihintay, may magbago o may mawala? Pano kung magbago feelings ko sa kanya, pano kung mapalitan 'to ng galit, pano kung mawala ang feelings ko? Masisisi ba niya ko? Siguro, hindi naman niya ko sinabihang maghintay diba? Sabi lang niya, babalikan niya ko after 1-2 years kaya break kami.
O di kaya naman, pano kung walang magbago at mawala sakin sa gitna ng paghihintay ko? Pano kung.... sa kanya magkaron nun? NATATAKOT AKO.
Dati, naghintay ako sa isang guy, hindi niya alam yun. Umabot ng 3 years, pero hindi niya ko binalikan. Minahal ko siya, pero mas malalim ang love ko ngayon, naiisip kong kaya ko pa kaya ulit maghintay ng ganung katagal?.. Siguro.
Minsan, iniisip kong galos lang ginawa niya sakin, madaling gagaling basta balikan niya ko. Pero anu ba 'tong nararamdaman ko, the more na nagpaparamdam siya at nagkita pa kami kanina as friends, the more na lumalalim ung galos. Dahil ba he can't take me now? Ayokong mainis, lalo na kung maaalala ko mga sinabi niya sakin dati. Ibang-iba talaga siya ngayon, alam ko na napipilitan lang siya, pero sana hindi mangyari na gusto na rin niyang mawala feelings ko sa kanya, at ganun din siya. Dahil pag nangyari yun, hindi ko alam kung makakabangon pa ko ulit o babalik na lang sa dating ako na malabo. Sa ngayon, ang pinanghahawakan ko na lang, faith & love. Sa tuwing iisipin ko ang nararamdaman ko, I wish na sana ganun din siya sakin.
Listening: The Scientist-Coldplay
Feeling: indescribable
Kahapon (01.26.10), nagduty kami with my favorite C.I. and favorite din naman niya ko, he usually calls me his BFF. He's a doctor/nurse from DLSU. It's our last day with him, we had a 4-week duty with him. Well, everything's well done with that 4-week duty, we became more close, even the members of other section that went with us. Sad to say, I became so emotional that time, and they usually ask me questions, personal questions about my lovelife. Besides the fact that, they usually talk to me about personal things, this Dr. did something that traumatized scared or freaked me out.
Dr *kinikiliti ako*
Me: (??? problema nito?)
Dr: swerte naman ng boyfriend mo. si (name) at si (name), walang kiliti eh...
Me: (malamang mga lalaki yan sir, grr)
Mommy Vamps *tumabi sakin* (naku, hinaharas na si donna)
Dr: *akbay sakin* Wala na kayo ng bf mo? Ako na lang BFF mo..
Me: O_______O;;; (pota!) hindi sir, okay kami.. kami pa din... (grr) *nervous*
Dr: Okay lang ba kung nilalambing kita ng ganito?
Me: (pota) uuhhh... ehhh.. siiirrr.. aus lang? parang daddy?? *napilitan*
Dr: Uu.. Uu... Parang daddy..... *akbay pa rin*
Me: (tang ina niyo!) *silent, looks away*
Dr: bakit kayo nag cool-off? hindi kayo magkasundo sa farmville? hindi siya marunong? *laughs*
Me: (tang ina 'toh ah..) sir hindi... *looks away*
Dr, 2 other members: kwento ka naman.. ano bang nangyari??
Dr: Ah.. siguro hindi ka pumayag magpakiss noh.. *laughs*
Me: *silent* hindi.. (wag niyo na nga ko tanungin about sa kanya!)
Dr: ahh.. siguro hind ka pumayag makipag sex noh?
Me: Sir?? Hindi siya ganun, nirerespeto niya ko... (tama na please)
Dr: Bakit? Pag ba nagsex wala ng respect? Bakla siguro yun..
Me: O__O sir? Syempre, hindi ngayon... *papaiyak na*
Dr: Siguro hindi nageerect ung anu niya noh? *laughs*
Me: *pissed, walked-out* (pasok sa nurses' station, cries)
Jessica: hala, pinaiyak ka ng gagung un?! pinaiyak tropa ko...
Jessica: *went outside, shouts* Sir! Bat niyo pinaiyak si donna? Bait-bait nun eh....
All the boys were.. ", umiiyak si donna?, bakit siya umiyak?"
1 guy there looked at me for 10 secs and I was.. (huh? bat kaya nakatingin 'to)
Another guy approach me just to return my drug handbook, if I know, gusto lang niyang makita ko umiyak, hmmmpphh...
Dr: *approached me sa nurses' station* Ms. Carlos, sorry.. wala na ba talaga kayo? ano bang nangyari?
Me: T_T Sir kasi, kami pa rin naman eh, gusto lang niya magfocus sa studies...
Dr: Oh? kayo pa din naman pala eh, ano namang masama kung magfocus?
Me: Wala naman sir, ok lang naman eh.. kaso wala kaming communication.. and, naaalala ko lang naman siya eh kaya ako naiyak.
Dr: O___________O *disappointed* Kaya ka umiyak kasi nasasaktan ka, nagmamahal ka. *smiles*
*he went outside*
Everyone were telling me na paglabas daw ni Dr, sabi daw ni Dr na, "Hindi mahal si Ms. Carlos nung lalake", and everyone thought of him, "Sige sir! Selos lang kayo eh! Eh di kaw na! Gusto mo lang maging bf ni donna eh!"
~ How dare him to judge me, him and our relationship! And how dare him to harass me. T__________T All this time, I respect that man like a father, a friend and a professor, my idol, but this time, it's all gone. This man has a family and a very successful doctor/nurse, yet, though his intentions were good, he still hurted me, unconsciously or unintentionally, especially through foul words, the damage is done.
Listening: How do I live-Trisha Yearwood
Feeling: depressed
Wee~! Ako'y nagbabalik, grabe.. ang tagal kong nawala, ultimo kahit nung pasko or new year, di ako nakapag greet dito.. Well, para kasing wala na kong reason para magblog eh, sobrang happy ng life ko since last year. Pero sabi nga ni Manoel, "A blogger will always be a blogger." Sa lahat ng vows ko sa sarili ko, isa lang dun ang hiniling ko kay God, yun ay ang makilala ang taong karapat-dapat sakin sa taong 2009. I said to myself one day, sana makita ko na siya sa year 2009, kasi alam kong sa time na yun, ready na ulit ako magmahal and masaktan ulit, at the same time, third year college na rin ako and almost everything is settled na. Of course, dito sa bahay, hindi pa din ako pwedeng magkaron ng relationship with the opposite sex, pero malaki na ko ngayon, hindi na sila ganun ka-strict sakin. Pinapayagan na nila ko umalis or mag overnight, well, not all the time nga lang and I still need to come up with a good excuse especially with my dad.
Last October 2009 dininig ni God and wish ko, I never knew na naririnig talaga niya ko dati pa, well maybe, He understands everything that happened to me and maybe, eto rin ang gusto niya.. It's fate actually.. Who would have thought na yung 2nd boyfriend ko nung highschool ang makakabalikan ko after 5 years diba? Everyone were shocked, speechless and surprised lalo na yung highschool friends ko and yung iba naming ka-batch. Bukod sa lovelife ko (tsaka ko na ikekwento), I also found my true friends na this college, and I'm very thankful na hindi na rin ako doubtful sa sarili ko unlike before na parang napaka blurred ng tingin ko sakin, sa life but now, alam ko na ang gusto kong mangyari. Buti na lang, na-established ko na ang self-indentity ko before ako mag engage sa relationship. LOL. According to Erik Erikson, kelangan mo muna makilala sarili mo before engaging in a relationship, right nurses?
Kung madaming nangyaring maganda last year, syempre, hindi rin maiiwasan yung mga pangit na nangyari, may mga nawala akong friends and may nagbabalik and may muntikan nang mawala. LOL. Mga ineexpect kong mangyari sa taong 2009, nangyari lahat.. Galing nga eh! Law of KARMA nga naman. Sa ngayon, tadtad kami ng duty and kung may duty, may CNP (Comprehensive Nursing Process) na due 3 days after every duty. Galing talaga ni God, parang everything is written in a book.
The best is yet to come. :D
Last 2009:
Umuwi kuya ko from abroad, sa mismong birthday ko pa.
House party nung birthday ko with my highschool and college friends together.
I got a new sony ericsson w705 - 2nd choice ko.
New friends.
Bumalik yung mga taong gusto kong magstay sa life ko.
Kami na ulit ni Angelo. (Hindi nga siya yung ineexpect ko pero I know he's better and he will be the best for me)
Whether it is to a friend or not, you shield yourself. You hide behind a silk screen whenever you're scared or nervous. You hide from people, especially yourself. You don't know your true self... yet. You believe that if you let people find out the real you, you will soon be betrayed. However, being under a silk screen, people can see what you're truly hiding. Your friends will always be there to talk to, but you just need to work up the courage to tell them what's on your mind. You shouldn't be scared of what's coming up next in your life. You need to embrace your inner self. Take action now. Sooner or later, you will need to face the music..
Welcome to Authenticity, a growing online diary owned and maintained by Pheno Safranine. This is her personal blog. Please make sure you read and understand the disclaimer.
A hopeless blogger for 4 years. Lives in Philippines. 18 years old. Student nurse. Loves anime and live action. Sleepyhead and hard
drinker.
Introvert, can be crazy at times, sarcastic. Likes to watch movies and a down-to-earth person.
Used Adobe Photoshop CS2, and notepad. Multicolor. Floral. Best viewed in Mozilla Firefox 1024x768 and higher
resolution. Resources are under the Credits section. Coding and Design made of course by me, Pheno Safranine (just an alias). -^______^- Emina Shaoran Lang Mana